HPCMU News Release No. 070
May 21, 2021
Sa panayam sa “One-on-One Walang Personalan” na programa ng DZBB super radyo hosted by Connie Sison at Arnold Clavio, nilinaw ni Dr. Gloria J. Balboa, Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director ang isyu patungkol sa pag-aanunsyo ng mga brand ng bakuna prior sa araw ng bakunahan.
Ayon sa paglilinaw ni Dir. Balboa, ang hindi pag-aanunsyo sa brand ng bakuna bago ang iskedyul ng pagbabakuna ay isang paraan upang maiwasan ang pamimili at pagdagsa ng mga tao sa iisang vaccination site at hindi pagpansin sa iba pang bakuna.
Dagdag pa niya na ang mga bakuna ay pinag-aralan at dumaan sa FDA at lahat ng ito ay “safe and effective.”
Klinaro rin ni Dir. Balboa na malalalaman ng babakunahan ang brand na ituturok sa kanya matapos syang suriin ng doktor sa vaccination site.
Hinikayat rin ni DOH-MMCHD Director na magparegister online at sundin ang oras at iskedyul mula sa text message na ipapadala ng inyong LGU matapos ninyo itong kumpirmahin.