LATEST NEWS

BFP, NAGPADALA NG MGA FIREFIGHTER-NURSES SA IBA’T IBANG OSPITAL NG METRO MANILA

 

HPCMU News Release No.069
May 18, 2021
Nagpadala ng 63 na matatapang na volunter firefighter-nurses ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa iba’t ibang ospital at pasilidad ng Metro Manila na nangangailangan ng dagdag manpower upang mapabilis ang pagresponde sa mga pasyente ng COVID-19 ngayong araw, May 18.
Malugod na ipinakilala at ipinagmalaki ni BFP Chief Director Jose Segundo Embang Jr. ang magigiting na firefighter-nurses na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar ng ating bansa.
“We are turning over 63 fire fighter nurses and allow me to share that they are not ordinary nurses from the BFP. They have special trainings hindi lamang po sila ‘yong nagre-responde before sa mga mapaminsalang sunog but they have special trainings on paramedics, they are members of the emergency medical services” madiing sinabi ni Dir. Embang ang kakayahang ito ng BFP firefighter-nurses.
Lubos ang pasasalamat ni Director Gloria Balboa sa tulong na ibinigay ng BFP at kasama ang pakikipagtulungan ni Usec. Jonathan Malaya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa magandang programang ito. Malugod niyang tinanggap ang magigiting na firefighter-nurses na haharap at tutulong sa pagsugpo ng COVID-19 pandemic.
Binigyang diin rin ni Usec. Malaya ang lubos na pasasalamat ng mga ospital na tatanggap ng mga firefighter-nurses, “We are doing something historic today, we are sending-off the first batch of firefighter-nurses of the BFP. We are turning them over to the DOH to augment 12 hospitals na nangangailangan ng mga nurses sa panahon ng pandemya. Kung nandoon po kayo kahapon sa MOA signing where in nandoon ang DILG, BFP at DOH, ýong Director ng Las Piñas Doctors Hospital ay naiiyak dahil hirap na hirap na daw sila sa sitwasyon ngayon dahil karamihan sa kanilang mga nurses ay nagkasakit, at nangibang bansa na at hindi sila makapag-hire ng mga nurses, nandyan po ang BFP para punuan ang pangangailan ng ating mga ospital” sabi ni Usec. Malaya.
Habang kahapon naman ay naganap ang virtual signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng BFP at DOH kasama ang DILG na nasaksihan ang opisyal na pakikipagkasundo sa 12 na ospital na makatatanggap ng unang batch ng Firefighter-nurses na ito.