LATEST NEWS

NVOC AT DOH-MMCHD, BINISITA ANG MGA VACCINATION SITES NG PFIZER SA LUNGSOD NG PASIG

 

HPCMU News Release No.068
May 18, 2021

Ininspek at inobserbahan nina Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Roger Tong-an, National Vaccination and Operation Center Head, Dir. Napoleon Arevalo at Dir. Gloria Balboa, DOH-Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) Regional Director ang vaccination site na Pasig City General Hospital (PCGH) at The Medical City (TMC,) noong ika-16 ng Mayo.
Sa PCGH, masusing sinuri ang proseso ng pagbabakuna, tinignan ang tinatagal ng proseso upang makita ang mga bagay na kailangan pang ipagpabuti at nang mapanatili ang kalidad nito.
Sa pagdating ng Punong Lunsod ng Pasig na si Mayor Victor Ma. Regis “Vico” N. Sotto, inilahad nina Dir. Balboa, Dir. Arevalo at Usec. Tong-an ang mga obserbasyon at suhestiyon nila kasama ang DOH MMCHD Assistant Regional Director Dr. Maria Paz Corrales, PCGH Medical Director Dr. Paulo Roman Castro, NVOC Technical Staff Dr. Shirly Pador at Pasig City DMO IV Jaya Abuen.
Samantala, sa pag-oobseraba ng proseso ng pagbabakuna sa TMC, hindi na pinatagal at agad nang inaksyunan ang mga nakitang pangangailangan sa nasabing vaccination site.