LATEST NEWS

MANDALUYONG CITY HALL VACCINATION SITE AT PERPETUAL DALTA VACCINATION SITE SUMAILALIM SA SIMULATION ACTIVITY

 

HPCMU News Release No.067
May 14, 2021

Nagsagawa ng simulation activity ang Mandaluyong City Hall vaccination Site at Perpetual Dalta Vaccination Site na dinaluhan ng Department of Health (DOH) ngayong araw, May 14.

Ang pagsusuri ay pinangunahan ng mga kinatawan ng DOH na sina Director Napoleon Arevalo ng Field Implementation and Coordination Team (FICT), Director Gloria Balboa, Asst. Director Maria Paz Corrales, Dr. Amelia Medina at iba pang mga staff ng Metro Manila Center for Health Development (MMCHD).
Sinigurado ng mga kawani na ang mga vaccination sites na ito ay kayang mapanatili ang -70° Celsius na temperatura ng Pfizer-BioNTech vaccine na mula sa bansang Germany.
Nagkaroon ng kaunting aberya sa pagsasaayos ng vaccination area, ngunit agad din itong naresolba. Nagtapos ang simulation activity sa mga ilang paalala at pagbibigay ng ilang mahahalagang impormasyon na makakatulong sa vaccination team.