HPCMU News Release No.066
MAY 13, 2021
Matapos dumating sa Pilipinas mula sa COVAX Facility ang mga bakuna ng Pfizer-BioNTech noong ika-10 ng Mayo, kaagad binigyan ng Department of Health (DOH) ang lokal na pamahalaan ng Makati upang magamit sa pagbabakuna ng Pfizer vaccines sa lungsod na ginanap sa Makati Medical Center.
Ang simbolikong pagbakuna ng Pfizer vaccine sa Makati ngayong ika-13 ng Mayo, ay pinangunahan ni Health Secretary Francisco T. Duque III. Isa sa mga kauna-unahang nabigyan ng Pfizer vaccine ay ang isang 87 taong gulang na lol ana kabilang sa priority group A2. Mismong si Sec. Duque and nagturok ng bakuna sa nasabing lola.
Ang maikling palatuntunan ay pinasinayaan ni Sec. Duque, kasama ang Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) Regional Director Dr. Gloria J. Balboa at Assistant Regional Director Maria Paz P. Corrales. Kasama din sa lupon ng DOH sina Philippine National AIDS Council (PNAC) Director Ma. Luisa Orezca, Director Napoleon L. Arevalo ng National Vaccination Operation Center, at Dr. Delia Becina, Development Officer ng MMCHD.
Nag bigay din ng mensahe ang President ng Board of Directors ng Makati Medical Center na si Atty. Nuca Almira at malugod na tinanggap ang mga dignitaryo na dumalo sa palatuntunan tulad nila Sec Carlito Galvez; Sec Vince Dizon; Hon. Mayor Abigail Binay ng Lungsod ng Makati; Dr. Ranindra Abeyangshinge kinatawan ng World Health Organization (WHO); at Michelle Lang Alli ng Regional Technical Advisor on Health at kinatawan ng United States Embassy sa Pilipinas, na lahat ay nagbanggit ng kahalagahan ng pagbabakuna at pagsunod sa halth protocol. Ayon sa kanila, ang pinakamabisang bakuna at ang nasa kamay na natin. Hinikayat nila ang publiko na tuloy pa rin ang pagsuot ng facemask at face shield, palaging maghuhugas ng kamay, magbigay sa atin ng 99% na proteksyon laban sa COVID-19.