LATEST NEWS

POPCOM, AHF AT LOVEYOURSELF INC. NAG-COURTESY CALL KAY DIRECTOR BALBOA

 

HPCMU News Release No. 065
May 12, 2021

Malugod na tinanggap ni Dir. Gloria J. Balboa ang pagbisita ni Dir. Lydio M. Español, Ms. Mary Jane Casimiro at Ms. Michelle Lobino ng Commission on Population and Development (POPCOM) maging ang dalawang Non-governmental organizations (NGOs) na sina Ms. Neneta Ortega ng AIDS Healthcare Foundation Philippines (AHF) at Mr. Dan Vick Rosadiño ng LoveYourself Inc. upang mag-courtesy call ng personal sa bagong director ngayong araw, May 12.

Naging maayos ang pagtanggap ni Dir. Balboa at inaasahang mas palakasin ang koordinasyon at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga ahensya sa pagpaplano at pagpapatupad ng iba`t ibang mga programa sa kalusugan at proyekto sa National Capital Region (NCR) dahil ang bansa ay nasa gitna pa rin ng pandemya.

Ang mga pangunahing proteksyon at minimum public health standards ay mahigpit na sinusunod ng mga opisyal sa nasabing pagpupulong.