HPCMU News Release No.060
May 05, 2021
Ang lungsod ng Taguig ay isa sa limang lungsod sa Metro Manila na napiling mabigyan Sputnik-V vaccine mula sa Gamaleya Research Institute ng bansang Russia. Ang lungsod ay nakatanggap ng 3,000 ampules ng bakuna na maayos, ligtas at epektibo na nakaimbak as Orca
cold storage facility.
Sa kasalukuyan, ang mgs Taguigeño na kabilang sa A1, A2 at A3 priority groups ang unang mabibigyan ng mga bagong dating na bakuna sa Taguig Lakeshore Mega Vaccination Hub na napili ng Department of Health (DOH) na bigyan ng mga bakuna.
Pinangunahan ni Sec. Vivencio "Vince" B. Dizon at Sec. Carlito G. Galvez Jr. ang roll-out ng Gamaleya-Sputnik V vaccine kasama ang butihing mayor ng Taguig na si Mayor Lino Edgardo S. Cayetano na lubos na nagpapasalamat para sa mga bakuna na binigay ng DOH para patuloy na maproteksyunan ang mga Taguigeño laban sa COVID-19.